Mountain Province
Makinig. Nangungusap
ang kabundukan sa atin
sa basang lupang
bumubulong sa gilid ng talampas.
Mga sinaunang kaluluwa
ang mga bundok na nakapaligid.
Napakarahan nilang hinahaplos
ang hangin at ulan
araw at buwan at bituin
sa mahamog na panalangin.
At ang mga dagundong
na inuukit ng ating pagdaan
magiging hungkag.
Dahil kusang kumikilos
ang mga bundok na ito.
Ang kanilang wika
ay higit na matanda
kaysa atin. Kapag yumanig
sila, gagapang at magbubungkal
at mag-iipon muli tayo
ng lupa sa ating katawan
na gapos-lupa.
-o-
Mountain Province
Listen. The mountains
speak to us
with moistened earth
whispering down a slope.
These trees encircling
are ancient spirits.
Very slowly they caress
wind and rain
sun and moon and star
in misty prayer.
And the rumblings
we carve for our passage
become futile.
For these mountains
move by themselves.
Their language is
much older than ours.
When they shudder
we crawl and claw and regather
earth in our earth-
bound bodies.
August 1993
-o-
This poem, 6 of 14 Love Poems appears both in Baha-bahagdang Karupukan and Alien to Any Skin. They were written pretty much at the same time, so I don’t consider either of them a translation.
February 5th, 2013 at 20:26
[…] Mountain Province […]