Banaue, Bontoc, Sagada
Agosto 1993
Hindi natin alam noon
na matatag pa sa inuupuang bubong
ng kalawanging dyip na rumaragasa
sa maputik na gilid ng Lalawigang
Kabundukan ang ating mga kataga.
Pinanginginig ng lamig at pangamba
ng paglalakbay sa bingit ng kamatayan
ang ating mga tinig, ngunit
nagpalitan pa rin tayo ng mga kuwento.
Para bang nasa matatag na lupa
ang mga paa, hindi ipinagwawasiwas
pagliku-liko ng dyip sa di-makitang
balikat ng bundok-bangin.
Banaue, Bontoc, at sa wakas Sagada.
Kapwa tayo dayuhan at manghang-mangha
sa mumunting himalang namalas,
mga himala ng kawalang-kapangyarihan
ng panahon sa daigdig na ito.
Dito nagsimula ang pagniig
nating dalawa ng mga kataga
at katahimikan. Dito nagsimula
ang daigdig na atin pa lamang hahabiin.
Hindi pa natin alam noon.
-o-
This poem which appears in Baha-bahagdang Karupukan, is 11 of 14 Love Poems. The following is a rough translation which I hope to improve at a later date.
-o-
Banaue, Bontoc, Sagada
August 1993
We had not known then
that our words were sturdier
than the rusty roof we were on,
the roof of a jeepney
hurtling through muddy dirt roads
on the edge of the Mountain Province.
Cold and the fear of
veering over cliffs
made our voices tremble,
but we kept trading stories.
As if our feet were on firm ground,
not being hurled from side to side
at every bend on the unseen shoulder
of the mountain.
Banaue, Bontoc, and at last Sagada.
We were both alien and awed:
time has been rendered powerless
here. This is where we started to merge
our words and silences.
This is where we began the world
which we were bound to weave.
We had not yet known then.
-o-
February 11th, 2013 at 21:52
[…] Banaue, Bontoc, Sagada […]