A few poems in response to Duterte’s so-called War on Drugs and Rebecca T. Añonuevo’s writings

There are words and there are words.

In the 2017 film “The War for the Planet of the Apes,” words and the meanings they convey are key to an evolutionary leap toward “being human.” The film is a brave effort that attacks the politics of war and the blindness of hate. It turns on its head the entire idea of what it is that makes us human. You will need to see the entire trilogy of films to fully appreciate what the filmmakers have accomplished.

My country of birth, the Philippines, has grabbed headlines worldwide due to the seeming popularity of the current president, Rodrigo Duterte, and his murderous regime that has so far resulted in the killing of between 7,000 to over 13,000 (depending on the source of data).

Dead bodies continue to turn up every single day since Duterte took to power. Most of the victims are from poor communities. This is no war on drugs but a war on the poor.

Rebecca T. Añonuevo is an award winning poet in the Philippines. She is a friend, yes, even as she chooses to support Duterte. I cannot condemn her beliefs and opinions, as we all have them. But then she uses poetry every now and again to express or cloud her views, and I cannot help but respond in an attempt to dialogue. She has since broken ties with many fellow writers, including myself.

I am posting the following poems – perhaps more to be added one day – to open the dialogue to a wider readership. There is a Philippine literary tradition called “Balagtasan,” a kind of debate using poetry – or at least rhyming verse. In this vein, you could perhaps call this a modern version of the Balagtasan.

With good poetry, one is often forced into a moment of silence. But when poetry is used to confuse what matters, silence alone should not suffice.

There are words and there are words.

ps I am unable to supply English translations for these at the moment, so I apologize to those who cannot read Filipino.

-o-

Hindi Tabla ang Laylay na Bisig, Hindi Yero ang Basag na Bungo

“Limpiyo ang bugso ng hangin
Kahit humahaplit ang bagyo sa mga lalawigan.
Gumagalaw ang lakas ng mamamayan,
Nagdadamayan, magkakadaop-palad
Sa pag-alalay sa mga balo at ulila.
Nagtitindig muli ng humapay na haligi’t bubungan.”
– “Limpiyo,” ni Rebecca T. Añonuevo

Sa pader na kay tayog, kay kinis dahil sa araw-araw,
gabi-gabing pagkuskos ng mga tagalinis, may natanaw akong
akala ay dating kakilala sa pag-aararo ng mga salita
at diwa. Ngunit bangag na alingawngaw na lamang

ang naulinigan nang siya’y magwika sa megaphone.
Balu-baluktot na tila pinaglagos-lagos sa pilipit
na tubo ang mga kataga. Sa mga taludtod na sinukat
ng bali-baling patpat, hinugot ng isipan

sa kung saang lupalop malayo sa mga eskinita
na pinagdanakan ng mga pinangakuan,
ito ang kanyang sambit: Tabla ang laylay na bisig,
yero ang basag na bungo. Kay daling gawan

ng bagong tahanan ang mga naiwan,
bigyan kaya ng pagkaing kailangan,
sabihan na para sa higit na kabutihan
ang mga pinaslang. Walang lugar

ang palahaw sa kamaong umaga. Pumalag,
nanlaban ang aking kaibuturan. Ang mga binalo
at inulila, paano kaya mapapalitan
ang kanilang minamahal na hindi na muling

mayayapos o makakahabing-hininga?
Kumaway ako sa nakaupo sa pader,
isinigaw ang iisang tinig na nilunod
ng kaskasan ng mga tagalinis.

-o-

Agawan ng Eksena

“Pero wala nang kibo ang bata.
Nakadapa. Naliligo sa dugo.
May nagsabing berdugo:
May hawak siyang baril sa kaliwa.
Kanan ang bata kapag kumakaway.”
– “Bata,” Rebecca T. Añonuevo

May pusod ang lahat ng tao. Pusod ang dugtungan
ng kawad na laman sa inang bukal ng buhay
na hiram, hanggang sa sandaling putulin
sa tama sanang panahon, at hindi sa ibang dahilan.

Kaya naman walang katulad ang sidhi ng dalamhati
sa paglibing sa sariling supling. Winawarak nito
ang kaayusan na magulang ang dapat mauna
sa paglisan. Lalong kay tindi kung mga kuko

ng karahasan ang humugot sa isinilang.
Sandali. Bakit tila higit na tinitimbang kung kabataan
ang pinaslang? Ang huklubang pulubi,
barya na lamang ba? Hindi kailangang mag-agawan

ng eksena, matanda man o bata
ang libo-libong pinaslang.
Sa larangan ng trahedyang pambansa,
tinutupad lamang ng utusan ang utos.

Sandali. Tandaang bawat tao, may pusod.
Pikitmatang salatin mo ang sa iyo.
Damhin. Isaisip ang hugis
ng balang naglagos.

-o-

Ang Balahibo Mo sa Puwet

“Rodrigo, pasok na, nakalatag na ang dilim!
Puli na! Uwi pa ba iyan ng matino?
Hindi mo na nakikita ang balahibo mo!
Mare, ilabas mo ang hagupit, kung kailangang dalihin
Sa puwet ang palalong espiritung lumukob sa bunso.”
– “Mareng Soleng,” Rebecca T. Añonuevo

May mga naniniwala sa multo,
sa mga espiritung naglilipana
pagkagat ng dilim sa lansangan.
O kaya sa halimaw na umuusbong

mula sa tadyang ng kung anong puno,
sa nakaluklok sa tatsulok na bunton ng lupa,
sa mga halos-taong naglaladlad
ng mga pakpak samantalang inihihiwalay

mula sa baywang ang katawan,
at sa di-mabilang pang nilikha
mula sa mga takot at imahinasyon
ng mga siguro ay wala lang ibang magawa.

Minsan may mga kailangang bigyan
ng anyo nang may maitukoy
sa panahon ng pagkalito
o kawalan ng unawa. Mas maigi ito

kaysa umapuhap sa usok at pagdudahan
ang di-mahablot-hablot ng sariling kamay
sa karimlan ng pag-iisa. Isang araw
magigising ka paghipo ng balahibo mo

sa puwet, sa pumipintig na latay
ng inang malaon nang yumao ngunit
hinihingan mo pa rin ng payo.
Matatakot ka sa halimaw

na walang pangalan at papalit-palit
ng anyo. Mamumukhaan ang sarili
sa huling pagliko palayo
sa inihabilin na daan.

-o-

Sumpa sa Pagkawasak

“Sumusumpa sa watawat. Busilak
Ang pag-asa, ang pangarap, para sa bayang ititindig sa pagkawasak.”
– “Mamaw Pulis,” Rebecca T. Añonuevo

Hindi sanay magtapon ng pagkain
ang aming angkan na mulat
sa kahirapan. Ang kaning lamig

isinasangag kinabukasan sa sibuyas
at gulay mula sa tirang ulam.
Habang makakain, ihahain.

Walang sinasayang.
Walang basta itinatapon
nang hindi hinahanapan

ng katiting mang halaga.
Tila pinsan ng ganitong pananaw
ang kintsugi ng Hapones,

sining ng pagkumpuni sa nabasag
na seramikong mangkok o tasa,
gamit ang pinaghalong pulbos na ginto,

platinum, o pilak. Inililigtas
ang nagkapira-piraso
na dati ay isa at buo,

tila ipinagdiriwang
ang bagong anyong pinunan
ang kawalan. Mainam, ano?

Pero ang mga pinaslang
ng iyong mga pinupuri
hindi maibabalik ng kitsugi.

-o-

Walang Apoy na Namukadkad sa Kaniyang Tuntungan

Binuhusan siya ng langis ng nagdedeliryong pangkat,
Sinindihan ang posporo, ang panggatong, pero walang apoy,
Walang apoy na namukadkad sa kaniyang tuntungan.
– “Istorya ng Makata,” Rebecca T. Añonuevo

Samantalang dumadaloy, pawindang-windang
sa sapot-sapot na mga ugat sa buhay
na katawan, tila tubig sa ilog ang dugo.
Mainit, kahit sa sandali ng pagputol

ng hininga, paggapang sa kalsada.
Ngunit tulad ng nilisang katawan,
magmamabagal ito, mangungunyapit
sa kahit anong malapit

bago lubusang huminto
sa malamig at magaspang
na semento, sa bingit ng biyak
na imburnal, sa balat ng kapwa

pinatumba ng bala, o kaya sa paanan
ng nagmamasid lamang,
hindi iniinda ang umaalsang likido
na lumunod na sa kanyang tinutuntungan.

-o-

Ang Pagsalakay ng mga Peste

“Ingat ka, may oras ang pagsalakay ng mga peste.”
– “Daga,”Rebecca Añonuevo

Hindi ako tinuruan ng aking ama
kung paano manghuli ng daga.

Mapalad daw ako dahil hindi panahon
ng taggutom at digmaan ang aking kinamulatan,
sabi niya. Pero makulit ako, mapagtanong.

“Ano’ng lasa ng daga?”
“Kung tama ang pagkaluto, parang manok na rin.”
“Paano ang balahibo? Ang nguso?
Ang buntot? Ang maliliit na paa at daliri?”

Naglagos sa akin ang titig ni Itay,
parang may kung anong nagtatatakbo
at patago-tago ang sinusundan.

Nalantad ang mga litid sa kanyang leeg,
lumukso ang mga buto
ng kanyang mga kamay sa sandaling pagpalag.

Nanlamig akong bigla,
tinangay ng kanyang mga mata sa daigdig
na hindi ko nais makita.

-o-

About matangmanok

Jim Pascual Agustin writes and translates poetry. Sometimes he tries his hand at essays and stories. His latest book is BLOODRED DRAGONFLIES, published by Deep South in South Africa. Check out the official blog page for Bloodred Dragonflies. In 2011 the University of Santo Tomas Publishing House in Manila released BAHA-BAHAGDANG KARUPUKAN (poems in Filipino) and ALIEN TO ANY SKIN (poems in English). The same publisher released his most recent poetry collections SOUND BEFORE WATER and KALMOT NG PUSA SA TAGILIRAN. In 2015 a new poetry collection in English, A THOUSAND EYES was released. His first collection of short stories in Filipino, SANGA SA BASANG LUPA, was released in 2016. UK publisher The Onslaught Press launches his poetry collection, WINGS OF SMOKE, worldwide in February 2017. San Anselmo Publications released HOW TO MAKE A SALAGUBANG HELICOPTER & OTHER POEMS in 2019 followed by CROCODILES IN BELFAST & OTHER POEMS in 2020 - both books can be purchased through their Facebook page. View all posts by matangmanok

4 responses to “A few poems in response to Duterte’s so-called War on Drugs and Rebecca T. Añonuevo’s writings

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: