Philippines Graphic is due to release a review of my latest book. I won’t be able to get a print copy when the issue hits newstands on Monday.
Monthly Archives: January 2019
Walang Matris ang mga Mambabatas
Walang Matris ang mga Mambabatas
1
wala silang gunita
ng balat na iniuunat
sa bawat udyok ng paglaki
ng lamang hinabi ng mga pintig,
lamang nanahanan
nang ilang buwan,
nagpupuyos na kumawala
upang salubungin ang daigdig,
nag-uumapaw sa pagtataka
gayong panig-panig
ang panganib
2
wala silang gunita
ng pangamba at tuwa
sa mga unang pakikipagbuno
sa hatak ng lupa
ng munting katawan
hanggang sa wakas
makatayo sa mabuway
na mga binti,
bumitiw sa gabay
at buong giting
na buhatin ang isang paa
samantalang naninimbang
ang kabila
upang subukan
ang unang hakbang,
manghang-mangha
3
wala silang gunita
ng pagpigil-hininga
samantalang nakatalungko,
halos di-tumitinag
sa pag-aabang
ng baha-bahagyang
paghimpil
ng tila babasagin
na mga pakpak
ng tutubi
4
bugtong:
walang matris
walang puso
walang utak
walang kaluluwa
panay bulsa at bunganga
sino sila?

matangmanok is 10 years today and my new paper child is almost out!
I was notified by WordPress that I’ve had this blog for 10 years. So it has been that long since I felt I needed to express my outrage at the Israeli government’s treatment of Palestinians. Then the blog evolved into something more personal, but never less political.
Today I’d like to share a link of the press release which appeared back in the Philippines for my first digital child that will soon be a paper child as well.
HERE’S THE LINK TO THE ARTICLE
