Tag Archives: anti-feminist

Hindi Dahil Babae – a response to Rebecca T. Añonuevo’s post on Facebook regarding Duterte as dictator

Hindi Dahil Babae

“If this man is a dictator, he is one dictator who upholds the rule of law.”
– Rebecca T. Añonuevo

Itong si Ate B, dalawang taon nang
hindi naghihilamos sa umaga.
Ayaw niyang magwakas ang mga panaginip
na ipinangako mula sa bituka ng magdamag.

Kaya hamog ng muta ang kanyang mga mata
kahit tanghaling tapat na. At kung magbuka
ng bibig, tila binabangungot. Buo man
ang mga pangungusap na ipinupukol,

lasag-lasag naman ang kahulugan.
Lantad-litid sa panginginig,
kay hirap nang maaninag
ang dating makata.

-o-

My apologies for not having a translation of this. One day, perhaps.

Advertisements