MANGANGASO
mula sa Homogenic ni Bjork
Kung paghahanap ang paglalakbay
At natagpuan na ang tahanan
Hindi ako hihinto
Hahayo ako upang mangaso
Ako ang mangangaso
Mag-uuwi ako ng yaman
Ngunit ‘di ko alam kung kailan
Akala ko kay daling ilatag ang kalayaan
Ay, tunay akong Scandinavian
Nahulaan mo agad, ano?
Naamoy mo iyon
Kaya mag-isa akong iniwan
Upang wakasan ang pakay
Ngayon lilisanin ko ang lahat
Hahayo ako upang mangaso
Ako ang mangangaso
(Hindi mo lang ako kilala!)
(Hindi mo lang ako kilala)
-o-
HUNTER
from Homogenic by Bjork
If travel is searching
and home has been found
I’m not stopping
I’m going hunting
I’m the hunter
I’ll bring back the goods
but I don’t know when
I thought I could organise freedom
how Scandinavian of me
you sussed it out, didn’t you?
You could smell it
so you left me on my own
to complete the mission
now I’m leaving it all behind
I’m going hunting
I’m the hunter
(You just didn’t know me!)
(You just didn’t know me)
-o-
Alas dos ng madaling araw dito sa Cape Town, pasado alas siyete ng umaga sa lupang kinagisnan. Hindi pa ako dinadapuan ng tulog. Kakaibang-kakaiba ang pagdiriwang ng Bagong Taon dito. Mas tahimik. Madalas ang ingay ng kasiyahan ay kakambal ng di-mabilang na bote ng alak. Hindi paputok ang kinatatakutan kundi ang mga lasing na nagpipilit magmaneho.
Pero hindi iyan ang gusto kong sabihin ngayon. Tinapos ko ang pagsasalin na sinimulan ko noong isang linggo. Hindi ko alam kung may ibang interesado bukod sa bagong kaibigang dumadalaw ngayon dito, pero sana magkapanahon akong buuin ang pagsasalin ng lahat ng mga akda ni Bjork – ang isa sa pinakamalaking impluwensya ko mula noong lumipat ako rito sa Timog Afrika. Ang iba pang natagpuan kong mga bagong kakambal-kaluluwa ay sina Nina Simone, Daniel Lanois, Tom McRae, Arvo Part at Stephan Micus. Hindi ko maipaliwanag kung bakit.
At muntik ko nang makalimutan. MAPAYAPA AT MAPAGPALAYANG BAGONG TAON! 2011 na at ilalathala na ang aking dalawang bagong aklat!!!!